BEAT MY FIVE! T-MAC AT ALLEN IVERSON NG JUNK FOODS

Naalala mo ba sila, mga NBA Players na akala mo na magiging susunod na Kobe, or even the next MJ? Nakakapang hinayang tong mga players na to. Naalala ko pa sila mag laro napapatalon ako sa sobrang galing nila, pero because of age, or and injury, nawala at nalaos nalang sila bigla. Pero meron kaya na katulad ng mga players na ito sa mga favorite nating Junk Food? SYEMPRE NAMAN MERON!

BEAT MY FIVE! T MAC AT AI NG JUNK FOODS

  1. WONDERBOY! – Nalala mo ba nung mid to late 90’s? Ung so amazing na chichierya na may mga homo like boys na naka sakay sa spaceship na design at kinulayan ni Herman Moreno? Grabe sa alat at award winning sa kulay. Isa to sa mga hinahanap hanap ko na junk food na dati ay isa sa mga top choices ko sa mga “malnutrition afternoon meriendas” ko. Mas ma-orange mas masarap! Naalala ko na kahit sa skwelahan binebenta to more or less five pesos, sobrang saya ng junk food na ito.. hayss…
  2. HUMPY DUMPY! – Ito ung amoy utot na triangular shape na chichirya, syempre sa sobrang alat ng WonderBoy kaylangan may variety din at wala nang iba pang second choice kundi ito! Nasaan ka na mabahong junk food!
  3. MINUTE BURGER! – Alam ko meron pading store nito, pero sobrang dalang na halos wala na, at kung makakita ka man ng Minute Burger store, nasa highway o sobrang liblib na lugar na hindi mo pwedeng kainan dahil sa usok at alam mong malayo sa bahay nyo. Ato OO mejo sosyal ito dati pero MY GULAY napaka saya at napaka sarap ng Burger nila! nakaka iyak! At oo GULAY, tinatapon ko ung lantang coleslaw o halaman na nilalagay nila, pero iba parin ang lasa ng burger nila kahit hanggang ngayon.
  4. PINIPIG ICE DROP! – Ngayong napaka init, everybody is selling Halo Halo or Mais Conyelo. pero why not pinipig Ice Drop?? If there is any Ice Drop store nearby, which is very rare, the most common flavors are your Ube or and Keso. Pero walang Pinipig! Napakasaya kaya nun! Hay. Hindi nabubuo ang lingo ko dati ng hindi nakakabili ng matatamis at maruming ice drop na to.
  5. SORBETES – Apat hanggang limang lalagyan pero isa lang talagang flavor ang gusto ko ung chocolate!! I dont know, but it seems like Sorbetes Ice Cream are fading just like President pnoy’s hair. Naalala mo ba na kahit gaano ka laki at kataas ng ice cream sa taas kinkagat mo parin ung apa sa ilalim? Tapos sasabihin ng kaibigan mo na may ipis sa dulo ng apa at marumi yan wag mong kakainin. Ikaw tong si utouto susunod ka naman. E di mo man lang naisip na baka ung sorbetes mismo mas marumi pa sa ipis! At bakit sa dulo lang pumupunta ung ipis ….?? choosy??
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s