Beat My Five: Information age, Game Changer

I don’t want to sound like an old man here, although I think I am an “old fashion guy” is what you can describe my character. Pero baka magcompare ako ng a little bit sa nakaraan ko, hindi naman super nakaraan. I just need to do it para mas lalong maintindihan ang point ko.

After 2008, information became so available and everybody just jump on the bandwagon of advancement and change how young Filipinos go through their lives. And I want to talk about its effects on us. Lalo na pag dating sa LOVE LIFE nating mga Pinoy. syempre hindi naman ito ordinary things that you probably know, o napagisipan na ng todo.

Wrap your mind around this. As I somehow compare and put my two sense on this topic. Hey, change is never really a bad thing. Although we can never say it applies to everyone. Pero ito ang tingin ko dyan.

Beat My Five: Information age. Game Changer:

1. EASY HUNTING – Definitely ito ang pinaka madaling gawin, with the technology we have madali nang makahanap at mahanap ng mga boylalu at girlalu. Unlike noon na wala pa masyadong technology at mga social networking sites. Ang akala mo ang crush mo ang pinakang magandang tao sa balat ng lupa. Tapos biglang you graduate high school and found out na napaka pangit pala (physical character) nung crush mo. Yan ang problema kadalasan NOON, kasi wala silang information na meron tayo ngayon.

Kaya mas madalas mangyare nung panahon noon na may magandang babae/lalake, pero magugulat ka ang dugyot nung kabiyak. hehe. kasi hindi sila expose sa iba pang communities or group of people, dahil wala silang way para gawin un. Di ka ba nagtataka ang gandang babae/lalake nililigawan mo o jowa mo ngayon pero nung nakilala mo ung parents hindi mo malaman kung paano sila nag katuluyan (ung parents)? Kasi noon, nagsettle nalang sila dun or dahil hindi naman nila talaga kasalanan na wala sila kung meron satin.

At kapag nahanap mo na madali na ring makipag kilala, iinvite mo lang sya sa facebook, usually aadd ka na kagad kahit di ka nila kilala. And then you can start introducing yourself. Which is the next Item.

2. NO NEED FOR FORMAL INTRO – Syempre we all start sa pagpapakilala ng ating sarili sa taong nagustuhan natin Either physical or character nya ang nag pa attract sayo. (please don’t use love kung hindi mo pa nakikilala ung tao mas deep ang meaning nun. Attraction lagi ang una not love. dahil love is defined at mapapatunayan sa interaction nyo within sa buong relationshipNAKS! corny). Pero naiba na ng technology ang paraan ng pagpapakilala to the point na halos wala na ngang pormal na pagpapakilala.

Narinig mo na ba to?…

Kerengkeng 1: Uy may bibigay ako sayong number text mo, guwapo to.

Kerengkeng 2: Di nga? patingin nga ng facebook?

Kerengkeng 1: ayan oh..

Kerengkeng 2: OHMERGERD! (OMG)

Kerengkeng 1: Add/Follow mo na dali!

Sobrang dali nang makapag hanap ng attractive male or female ngayon. Not unlike before na akala mo ung girlaloo o boylaloo mong gusto, ang pinaka maganda sa balat ng lupa. At dahil you don’t have the information or any social networking sites na katulad ngayon, pagttyagaan mo na. Ang ganda lang before is that you don’t consciously or deliberately do it. Which leaves ung excitement factor pag dumating ka na sa stages ng college life or iba pang stages dahil di mo alam kung sino ang makikilala mo. Dati naalala ko rin usong uso pa ang tulay, ngayon meron parin naman pero mas madalas pa atang magtype sa search field ng facebook kesa mang reto o maireto sa friends eh.

Pasa pasa nalang din ang mga number/ twitter o facebook account. At ang get to know stage nangyayare sa chat chat nalang. Nalala ko noon na hindi man lang ako maka pag pa kilala sa sobrang torpe ko…dahil kaylangan ko pang lumapit at mismong magsalita at sabihing. Hello miss, anong pangalan mo? YAAN! At syempre para mang yare un dapat makita ko sya, at para pansinin nya ko kaylangan nya rin akong makita at ma approve nga na tipo nya.

For me ok lang, sana lang may mas interaction pa muna, karamihan kasi ng kids they just go with what they see on their screen and don’t even take the time to talk face to face and confirm that he or she is what they want. At mas masarap parin ang mga momment kung talagang pinaghirapan mo kahit sa pag papakilala palang. Para sa akin mas important pa ang introduction at ang get to know stage kesa sa panliligaw. (basahin mo ung next item, you will know kung bakit ko nasabi un)

3. COURTSHIP ANO YUN?? – according to Wikepedia (ang tagapagligtas ng kabataan.. hehe) Courtship is the period in a couple’s relationship which precedes their engagement and marriage, or establishment of an agreed relationship of a more enduring kind. Duration: engaged or married couples resulted in an average duration between first meeting and accepted proposal of marriage of 2 years and 11 months.

Hindi ka ba nagtataka?? Kung bakit ganyan ang definition nyan? Marriage kaagad? Para lang yan kasing pagsabi na “Fiancee ko sya.” hindi status ang courtship, pero isang agreement. Agreement ito na ang ibig sabihin ay mas magiging close pa kayo, as in more than friends.

Pero kung naguguluhan ka sa paliwanag ko..

wag mo nang intindihin…

Ito nalang ang tandaan mo. Kahit ang saan mo basahin ang ibigsabihin ng courtship, o panliligaw, it doesn’t say na mapapatunayan nito ng katapatan or pagiging patient nung manliligaw. DAHIL KAHIT KELAN HINDI MO UN MAPAPATUNAYAN. Not until you are together and you’ve been through trials and solve problems na magkasama. So I say YES! dahil sa Information age na kinabibilangan natin, courtship is up to its point na hindi na ginagawa or totaly eradicated. AND AGAIN I SAY YES!

Wala namang masama kung hindi na kayo dumaan sa stage na to. Because (1) dahil nasa information age na tayo, wala nang way para gumawa ka pa na katangap tangap na bagay, na ma-bbase mo sa nakaraan which provide us information kung ano ung tamang panliligaw, kundi sundo’t hatid at pag punta sa bahay. (2) AGAIN, DID THAT PROVE ANYTHING? Hindi diba. SO pwede kayong tawaging kayo, or at least get to know stage ng hindi na kaylangang a\nanliligaw. Gets? Example;

Boylalu: Di ba pwedeng Tayo na?

Girlalu: Ok, get to know get to know palang naman eh.

PWEDE naman ganyan diba?? Kasi TECHNICALLY agreement ang courtship, at LOGICALLY mag gget to know rin naman kayo during the first few months. At even after that wala parin naman talaga kayong napatunayan diba (puro kilig lang)? Bakit kaylangan pang patagalin at magsayang ng oras eh information age nga diba? Basta ang important dahan dahan lang at hindi pisikalan. Well yan naman ay opinion ko lang. But nevertheless Information age/tech gave us the clarity and gave us the option to choose at hindi na dumaan dito. So for me this is a good thing.

4. CHEATING/ PETTY FIGHTS – Since kaya mo na ring itago or palitan ang mga profile mo its to easy to cheat. (not like I’m doing it) Pero I know so many friends na may iba pa o may hiwalay na account pa para lang ma add ung mga ka trabaho nya o ung na hanap nya nung isang gabi. Plus viewing porn sites ay isang way na rin ng pagccheat, I am not saying na tigilan nyo yan. Pero just by simply going to that site ay pwede na rin tawaging cheating. At alam naman natin sobrang daming sites na ganyan.

And living in the information age cause a lot of problems sa mga relationships. Mas lalo pa ngayon dumami ang pagaawayan nyo. dahil madaling makita mga post mo na may malisya at mas public ang post mas madaling pagselosan.

I hate this, kasi isa to sa kapangitan ng maraming alam and being exposed to so much information. And Filipinos are not really ready sa mga ganitong informasyon, at believe me marami ng away and break ups, since facebook and other sites were establish.

5, BREAKING UP / HEARTS – As if hindi masakit makipaghiwalay, pero now that we can just send a text or an email or direct messages, doon nalang ngayon nakikipagbreak up, dahil alam mong kasalanan mo at hindi mo kayang aminin na may iba ka, o ayaw mo na talaga, gagamitin mo nalang ang internet at dun mo nalang gagawin tapos maglalaho ka nalang. Grabe diba? Pero it is true, pati nga sa mga apologies you tend to send nalang ng message, para at least soft ang effect sa sinasabihan mo o bago mo pa sya makita, hindi na sya ganun ka galit. So no I am not for this, I think sobrang walang kwenta mo gamitin ang route na to. Sa pag aapologize, pwede pa siguro pero kung makikpag break ka, please have a heart, and mag effort ka man lang.

_0_

Effort, yan ang nawawala sa atin at ang major disadvantage at result ng information age. Please I am talking to the youth, EFFORT please pagdating sa mga items sa taas. You’ll appreciate everything na ma achieve mo sa buhay at you would gain confidence na magdeliver ng news, good man or bad.

Clarity, either sa information that you don’t know or mga bagay mo pang gustong malaman, yan ang advantage. Life is much easier and less stressful when everything is clear. And thank you easily available na to at hindi na kaylangan manghiram ng libro or pumunta ng library para malaman ang lahat ng ito.

So there you go! But before I end this entry, I would like to thank everyone who reads my entries and I know I only have a handful of followers pero I appreciate everyone. THANK YOU!! And I think I found my first hater. hehe.

Advertisements

4 thoughts on “Beat My Five: Information age, Game Changer

  1. Its good that you point out kung gano ka negative ang effect ng maling paggamit ng technology, lalo na sa mga taong hindi maintindihan how powerful it could be. I hope more youth could read this. Wow may hater! Ipadakip na yan sa mga brgy tanod.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s