BEAT MY FIVE: Lumang Lumang Luma

Hello, Thank god weekend na! Kating kati nako mag sulat, pero sa kawalang oras, hindi ko magawa. Pero sabi nga ng co-trainee ko, “Its  da water all ober da breeds…”– hA?  ANO DAW? Baka water under the bridge? ah…Baka na undoy… kaya umapaw…

Anyway, kayo nalang umintindi sa post ko today, habang iniindi ko tong sinabi nya. Here we go!

BEAT MY FIVE: LUMANG LUMANG LUMA

1. PE BALAT/ SLACKS PE: Minsan mahirap din ang palaging nagiisip, kasi you’ll end up not talking at all. Katulad nalang ng nag ko-commute ako pauwi galing opisina. Napadaan ung jeep na sinasakyan ko sa parang “High school belt” (purong public nga lang) of course maraming mga pawisang hormone charged na mga teens. And one thing that I noticed that never went away, and probably is being accepted at ginagawa dito sa Pinas, is ung pag suot ng rubber shoes, kahit na ka slacks, o ang kabaligtaran mag Leather/Balat shoes habang naka jogging pants.

Now, probably sa lugar nyo o sa mga private school or #south, hindi to masyadong halata. But here in Manila, where public schools ay parang “master shomai” sa dami. Usong uso parin to. I remember back in HS, and in College, kapag PE time na, and you don’t want to change shoes either bago mag simula ung subject or even after, hindi mo na ito gagawin hanggang maguwian. I guess kapag bata ka pa you don’t notice these things, and you just want to go through the day. Pero hindi ba nakakatawa na naka Slacks ka (ano mang kulay)  tapos na ka rubber shoes?? Siguro naman ung mga magulang natin nag highschool o colloge din, wala bang nagsabi sayo, na hindi magandang tignan ung ganyang porma? hehe, nakakatawa lang makita na ganito parin ang porma nila, after decades na ginagawa to. It kinda brings back the old days.

And if you think na hindi na ako makakakita ng PE BALAT student??? Na naka jogging pants tapos naka leather shoes? Long and behold!!.., nandyan parin sila. Parang Panda lang sa pag ka extinct, hehe pero nevertheless nandyan parin.

2. VINTAGE CARS??: You wonder why bakit trapik palage? O bakit palageng may nasisiraan? O bakit hindi mag improve ang mga PUVs natin?? -dahil sa mga ganito. I think we let this happened sa mga sarili natin. I can see mga sasakyan na sobrang luma na umaandar padin sa daan. Don’t you think, mas kikita ang government, kung hindi na hahayaan mag roll out ang super lumang sirain na mga sasakyan sa daan? It can also feed the minds of those tao, na mag ka pera lang ng konti, at kahit walang alam masyadong knowledge sa sasakyan, ay “legal” na nagmag own nito?. Please… We have to move on,, maraming cities, na tinataasan ang tax or hindi na  inaallow ang mga sasakyan na umandar pa sa daan as a way na mapagaan ang trapik. By doing that will also improve our PUVs. If more people will choose our trains or jeepneys, the problems that goes with it will be highlighted and eventually be fixed. Vintage and LUMA ay napaka magkaibang salita at meaning.

Tradisyon na ba ito? I don’t know, but we need to be realistic, mas mabilis pang mag depreciate ang mga sasakyan kesa sa Nokia phones. Promise.

3. VIDEOKE SONGS- A very nice tradisyon, na para sa akin accepted, at ok lang. It only shows how expressive we are as a nation and as individuals. Hindi ko lang ma intindihan ung music natin na kinakanta at pinapakinggan. To think na ang wala na atang hindi nakakaalam ng internet sa dito sa bansa natin. And wala narin atang tao dito sa Pinas na hindi marunong mag download ng illegal ng music sa internet.

Dito lang ata sa atin na popularize ang mga kanta sa 70s to 80s, ume Air supply padin tayo o Eagles etc padin hanggang ngayon. Hindi sila pangit na singers and or the songs ay hindi rin naman ganun ka corny…, NOON! I know way din natin to para mag back track or to reminisce. Ang problema lang sa atin, hindi lang ito nangyayare sa mga matatanda or to our beloved seniors. Young adults listens din sa mga ito. I am not saying this is a bad thing, nagtataka lang kung bakit from the youngest generation to the oldest. parang everyday is “throwback Thursday!”  

4. Tele-Novela – Dati mga pelikula parang may template, Yung pulis dadating sa huli, yung bida magpapabugbog tapos lalakas bigla na parang na posses, kaylangan may kantahan at sayawan sa gitna ng pelikula at dapat nasa beach ang setting. – Yung mga ganyan… mapa drama, comedy o science fiction movies man, yan palagi ang template.

Akala ko talaga na outgrew na natin to, pero kahit sa TV nangyayare padin ito. At sa tagal ko nang nerereklamo to nabubuo na sa isipan ko na hindi siguro dapat ang gumagawa ng palabas ang sinisise, kundi ung mga taong mismong tumatangkilik nito.

Pero partly din naman ng sisi o I should say, “dahilan” kung bakit paulit ulit nalang ang mga palabas sa TV at Pelikula. Dahil walang masyadong naglalakas loob ibahin ang trend, at gawin lang kung anong gusto nilang gawin, at hintayin ang resulta. Feeling ko masyado silang nag mamadaling mag ka pera, at hindi na nag kakaroon ng tiyaga, O SIPAG, para gawin ang alam nilang tama at hintaying ma appreciate  ang craft nila. Hindi ka ba nag tataka kung bakit umaabot sa PART 50 (exaggeration to pero malapit na ang mga pelikula sa ganito)  ang mga palabas sa sine kapag kumita sa MFF? I call it recycling (parang basura lang).  Now is the time para gumawa naman tayo ng pelikula hindi na para sa gwapong bida at sexing aktres, kundi gumawa ng tama at makabuluhang storya, sumalingat sa agos, at maghanap ng artistang bagay na bagay sa storya. E BALIKTAD TAYO EH, Dahil sikat si ganyan gagawa tayo ng pelikula para sa kanya, basta kahit ano basta may storya, Sikat eh…

Luma na to,,,, Please…

5.”SLASHENAUTEN”:  Narinig nyo na to? Eto ang isang bagay na marirnig mong binibangit ng mga matatalinong taong katulad ko,, Echos!,, heheh.. Actually pwede ring ibigsabihin nito is yung isang bagay na paboritong ginagawa ng 12-14 years old males, pag bakasyon. ANG PAG TUTULI! (at hindi ko rin alam kung bakit kaylangan parang german pa isunod ang salitang ito)

Wala naman akong problema sa “tradisyon” na ito. Although sometimes it gets me thinking na kung bakit kaylangan talagang gawin ito sa ganitong edad. At bakit parang napaka big deal naman sa pinoy to na parang isa pang stage ng buhay natin itong mga lalake. Parang nagiging machismo ang tunog eh. Coming sa mga taong ang general height ay 5’4″ at may average na haba ay 5 inches (TOTOO YAN…Hindi nga lang nag aapply sa akin hehe.. In GENERAL, or on AVERAGE ito based sa mga importanteng pag aaral) =D (Trust me, those are facts! Alam lahat ng Asian yan…well di lang ng mga Asian) But please don’t tell me kaya natin to ginagawa dahil gusto natin malinis tayo. REALLY? Maniniwala ako dun?

Pero like what I said, I have no problem with this. At isa ito sa mga pinaka lumang tradisyon na kasing regular ng pag ddebut or pag graduate sa skwelahan. Definitely a proper item sa entry ko na ito. At tingin ko kahit kaylang hindi natin ma a-outgrew. Never…

 

Advertisements

9 thoughts on “BEAT MY FIVE: Lumang Lumang Luma

  1. agree ako dun sa number four ung mga stories na paulit2 na lang. feeling writer kasi ako kaya i’m trying my best na ibahin ang trends ng mga nakasanayan na. at anu ung PE BALAT? gets ko ung PE pero ung balat hindi hahaha

    1. Yup marami ding ganyan, ang take ko dyan sa mga remake na ganyan is parang sa music lang,,, Revival,, kapag kinakanta ung mga lumang songs para pang tribute,, pero dapat laging nasa isip revive,,, bubuhayin ulit,,, meaning dapat mas maganda o mas kakaiba na maganda kesa sa dati,, pero parang hindi naman din nangyayare un sa tv man o sa music natin eh,, un ay aken lang naman hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s