BEAT MY FIVE: What its like living in Ashong’s hood

squidward

That is the usual reaction of anyone na sinabihan ko ng lugar kung saan ako nakatira. Para bang isang liblib na lugar sa middle east o sa Mindanao, na halos wala nang gobyerno. Kinda like a deserted land where people die for a living. Ganito palagi ang nakukuha kong reaction, lalo na sa mga taxi drivers, na parang sinentensyahan na ng kamatayan kapag binangit ko lang ang dalawang street; Juan Luna, Solis.  Drayber: TONDO??I understand that TONDO has one of the worst reputation in the country. Pero bakit I don’t get the same reaction if I mention other cities in the metro. Katulad ng mga lugar na palaging may aksidente, o yung mga lugar na pugad ng drugs, prostitution, bahain, o/at puro basura. Hindi ba mas worst yung mga city na yun?? Dahil yung mga facts na nasa ulo mo ay ang history ng tondo, pero itong mga impormasyon sa ibang city ay current at kasalukuyang nangyayare?. And the worst pa dyan ay hindi ka man lang nakakapunta pa sa lugar na to, o hindi ka man lang tumira dito kahit ilang buwan.

Pero let me tell you the things I’ve noticed. Siguro naman may “K” naman ako, for the fact that I was born here, and after 26 years, I’m still living at the same part of the city.  Pero I won’t give the obvious statements na nabasa nyo na sa ibang blog, or any article or news. Ito ang mga bagay na kahit akong homegrown Tondo citizen, ay nalilito parin.

BEAT MY FIVE: What its like living in Ashong’s hood

  1. COMMUTING – Kung tatanungin ako kung mahirap ang magcommute? Hindi taxi ah, kundi jeep, bus or train (LRT/MRT). Sasabihin ko, ok lang, pero actually hindi ko talaga alam. I know how to get around Makati and Mandaluyong, at alam ko narin kung ano ang iba ibang combination para makarating ka mula dito sa Tondo to those places. The reason kung bakit hindi ko alam is dahil napaka unpredictable ng transit time mo kung dito ka mangagaling. Ang best example nyan ay yung nangyare sa akin 2 weeks ago.Since nag uulan na, I already know na mahirap pumasok sa opisina. So instead of 1 hour and 30 minutes na palugid, I will wake up earlier than usual and make sure I got at least 2 hours to 2 hours and 30 minutes of transit time. Pero ang ending ng Wednesday ko 2 weeks ago, ay late ako ng 7 minutes. Meaning kahit nag effort na ako wala pa din. So after a few days umulan ulit at ginawa ko nang 3 hours ang palugit ko. Hindi naman ako na nalate pero 5 minutes nalang late nako, and it is not like an easy time, na nakaupo lang ako sa jeep, no. I was running like there was no tomorrow.So now I just stick with 2 hours of transit time, dahil alam kong wala rin namang saysay pa kung na mag laan ako ng sobra sobrang oras sa pag pasok dahil kung may isang street lang na nag karoon ng aksidente o ginagawa, wala na yang calculation ko. And wala rin namang maniniwala sa akin na nag effort akong pumasok ng araw na un. Mahalaga I got a good/complete sleep hours, para pagdating ko sa opisina, I can perform at my best.

    So kapag nakarinig ka ng taga Tondo na ka opisina mo, at ung isa ay taga Cavite o kung saan mang malayong lugar. Don’t assume that Tondo is closer or the easiest route. Dahil hindi mo alam na kelangan pala nyang sumakay ng tatlong mahabang beses at maglakad ng dalawang mahabang lakad.

  2. OBESE – “Maraming skwater sa Tondo, meaning maraming mahirap” Ganyan palagi ang naiintindihan ko sa lugar namen at sa mga sinasabi ng mga tao. 1) totoo naman yan, mas marami paring squatter dito kesa sa maayos na neighborhood na ito ng Manila.I had a girlfriend when I was younger who do live in this part of town na puro makeshift lang ang mga bahay, at sobrang hirap talaga mabuhay. We lasted for 3 years, at syempre pumupunta ako madalas sa bahay nila (malapit lang samen), so meaning marami akong nakakasalamuha na mga tao na kadalasan isang beses lang kumain sa isang araw (pero may pang inom at may pang sugal). Ang pinagtataka ko lang bakit ang lalaki parin ng katawan ng mga tao dito?? Heheh… Kung talagang taga dito ka, you will notice that not all guys here in Tondo are skinny and dying. Its either body builder type ang mga nakikita ko o ung iba naman ay sobrang tangkad na sobrang lake ng tyan na parang sasabog na. Take note ISANG BESES LANG KUMAKAIN SA ISANG ARAW ang karamihan sa kanila. Paano kaya nangyare un? Well, do I need to ask them? Kakaibiganin ko nalang sila, mahirap na heheh.
  3. AMERICA LIKE – One of U.S. description is being the Melting Pot of Cultures, because of the diversity of the country. Parang ganyan din dito sa Tondo, mahihirapan ka rin talaga makahanap ng natural born dito. I am not talking about yung ngayong generation, syempre nandito na ung mga nanay tatay nyo eh. I am talking about ung mga taong talagang dito pinanganak at hindi sa ibang probinsya galing. Super rare na makakita ka ng taong dito talaga pinanganak, kasama ng mga ancestors or kahit parents nila. Lucky for me ako yung isa sa mga rare na tao na yun. Pero that is not my point. My point is, bakit kapag may mga taga probinsya na kinkuwentuhan about sa tondo, ay pangit ka agad ang reaction. Not knowing na their kababayan migrated here.Manang: “A Tondo? magulo, pangit dyan.” – Parang ang sarap sabihin; “OO pangit ang Manila/Tondo dahil pumunta kayo dito eh. Try nyong umalis, gaganda yan ulit.”

    hehehe…

    Di ba it makes sense? Dahil kaka migrate (decades and decades ago) dumami ng dumami ang tao dito sa Manila particularly dito sa Tondo. And the end result is poverty, corruption and crimes.

    So please lang hinay hinay lang sa pag sasalita, may contribution din ang mga province nyo at ibang cities sa nangyare/nangyayare sa Tondo. At kung pangit ang part ng city na ito, baka dahil din sa paglipat nyo dito yun.

  4. POOR MIDDLE CLASS – I don’t think that everyone knows this. Middle Class people are the poorest sa lahat ng class ng tao dito sa PH. And I think this is also the reason why we are labeled as one of the poorest part of the city.If you will notice all Middle Class people ay mas gastador pa sa mga higher class ng society. Katulad nalang ng Cellphone, ang mga mayayaman ginagamit yun para makipag communicate at gumanda ang takbo ng business nila o ng trabaho nila (asset). Tayo bibili tayo ng 30K worth ng phone para pang yabang at para pang facebook (which is another way para magyabang) (Liability). Hindi ba nakakabaliw ang thought na ito? Kaya para sa akin mahirap nga ang Tondo. Dahil dilang sa mga squatters, kundi madami ring mga Middle Class residents.
  5. STREET FOOD – Maraming street food ang pinauso o naging sikat dito sa Tondo. Pero I feel like sobrang mag evolve dito sa tondo ang mga street food. Kung dati mga kikiam or fish balls lang ang sikat. Ngayon sa sobrang variety napaka sayang mag food trip narin dito. heheh. From sa mga balls na chicken daw na piso isa hanggang sa fried Isaw. ISAW na nilagyan ng ARINA! Hanggang sa famous Sebo, na hindi ko alam kung ano parang baboy, na as cheap as five pesos. (FYI bumili nako at kumain ng worth 40 pesos nito)
Advertisements

4 thoughts on “BEAT MY FIVE: What its like living in Ashong’s hood

  1. Ahaha I love your positivity, if there’s a word. I think all countries, cities, have these places naman. It doesn’t mean everyone who lives there are criminals or something. 🙂

  2. I used to live 24 years in Gagalangin Tondo :D, what a small world. Currently, my other relatives are still there in Planas and Cabo st and I miss the kwek-kwek in blumentritt ;(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s