BEAT MY FIVE: Alam mong mayaman ka 90’s style

Syempre ang mga indications na mayaman ka is mostly can be identified sa mga material na bagay na meron sila. But nowadays anyone can look rich, dahil sa dami ng mga materyal na bagay na available na sa atin. Like mas mura na ngayon ang mga cellphone may mga plan 300 Php na rin and almost everything is available on your trusted pirated tindahan. Kaya napakahirap na to identify if those who has more money o nakakaangat sa buhay (or at least ung mga nagpapangap).

1. Polaroid Camera/ Reg Camera – Nung mga early nineties napaka halaga at popular nito sa mga nakakaangat na pamilya. Ito yung mga cameras na can print the photos by itself?? Yung pinapagpag ni Tita Baby dati? Actually kahit may camera nga lang na regular ka sa bahay na palaging nagagamit, isang sign na rin yun na somehow may pera kayo. At sigurado din na sponsor to ni Tito Boy o ni Ninong Junjunyan , dahil sila yung mga lalaking nagtatarabaho sa Saudi, Korek? hehehe.. When the Polaroid Cameras went out sa market, only those who has extra money can afford it. Kasi di naman tayo sanay sa mga ganito eh. Kami nga sa bahay walang natabing kahit isang photo album. Dahil one, hindi kami mahilig kumuha ng mga picture. Dahil kung hindi polaroid yun kaylangan pa namin sumadya sa mga printing store to print out exposed damaged photos for a load of price. And second of all, wala kaming Camera.

If you will go to a beautiful house you will notice right away dun sa center table nila ay ang mga Photo Albums ng Family and Friends. That is actually/generally the theme of a middle class to upper class families back then. Pero kung bakit sila may Photo Albums? Dahil may Camera sila, Polaroid man yan o yung normal lang, ang point may pambili sila ng camera at mga films.

Naalala mo ba na kapag may 36 shots available ang film na binili mo napaka mahal? Tapos 20+ lang ang siguradong ma pprint? Sinong regular na pinoy ang makaka “afford” ng luho na ito? Pero nowadays its different. Every gadget na electronic has a camera on them. At sa sobrang mura mag pa print makikita mo yung mga high school students na gawing “text” (larong pambata) yung mga bubot images nila sa sobrang dami eh.

2. Plastic Cover – Yup, tama ang nabasa mo Plastic Cover. Kung year 2000 ka pinanganak o later, hindi mo na naabutan ang era na ito. Basically if you are kinda rich, or nagpapangap ka na mayaman, halos lahat ng furniture mo sa bahay ay naka plastik. From their lamps to their sofas, lahat naka plastic. Galing diba? Kung teenager ka ngayon, tanong mo sa magulang mo magugulat ka na may mga pamilyang gumagawa ng ganito. Pati unan na ka plastic.

I remember nung bumisita kami ng parents ko sa kamag anak namin na “may kaya” at nakita kong balot na balot ng plastic yung sofa nila eh parang gusto ko ng umuwi. I mean what is the point?? No one would be able to enjoy kung ano man yung pinaghirapan mong bilhin kung babalotin mo lang din sa plastik. Can you imagine sitting down on that kind of sofa, na balot ng plastik? Bawat galaw mo sobrang ingay at sigurado kung mag movie marathon ka, pulmonya abot mo dahil pawis na pawis na kagad ang likod mo dahil sa init.

But nevertheless ginawa parin ng mga pinoy ito. And this is a distinctive fact na mayaman kayo. Or at least in my book, nagpupumilit maging mayaman. I combine mo pa yung mga kwadrong may tumatakbo na mga kabayo, and or carpets na sinasabit sa walls (hindi ko rin alam kung bakit) na ang palaging theme ay mga nag susugal na aso (mas lalong hindi ko alam kung bakit), then you are living the LIFE!

3. Aristocrat – Nowadays kahit ata bata kayang pumunta sa kahit saang kainan and coffee chains. Pero nung 90s kapag kumain ka sa restaurant na ito mayaman na kaagad ang tingin sa iyo. Sa sobrang sikat nito na banggit nato sa pelikula at sa everyday conversations ng pinoy. But I never got the meaning behind it? Ano naman kung mahal ang pagkain dyan? Wala na bang mahal na restaurants dati? At kung araw araw kang kumakain sa labas sa ibang kainan and then yung ibang tao occasionally lang pumupunta sa Aristocrat, bakit sila mas may pera kesa sayo? And honestly even today hindi ko alam ang lasa ng pagkain dun. Kahit isang beses hindi ako naka punta.
Pero back in the 90s you are pretty stylish, and got cash to burn sabi nga nila, kung dito ka kumakain. IT IS SAD… I KNOW…

4. Mall Party –  In a tropical country, blazing heat outside, walang sasakyan at nagcomute lang, pero super balot na balot. Cap, shades, isang earing, necklace, then t-shirt na may jacket may bracelet, limang rings, elephant cut na maong na super kapal. yung white shoes na naging uso dati na parang constructions boots (I forgot the brand). Tapos may pulbos sa mukha… at oo nga pala lalake to. At oo nga pala pupunta pa la sya ng shoemart with his homies.

Kung pumasok ka sa malls nung 90s na naka slippers, baka hindi ka papasukin ng guards. Kahit pa ung tiles nila nangigitata na sa dungis pero dahil na ka tsinelas ka bad vibes ka kagad. HOMELESS!!! Kung foreigner ka, then may be you are exempted at papasukin ka, kasi consumer sila eh. Duh??!

5. Braces  – Actually kahit ano pa yan, before mga mid class pinoy, tingin  dito ay bling bling. totally disregarding the fact the real purpose of it. Kaya tuloy nung highschool ako nagsulputan tuloy yung mga laterong gumagawa nito na nagdadamit ng maayos tapos sasabihin nasa line sila ng dentistry.  If you are getting the proper braces o kung ano man para sa ngipin mo dahil you need it and your dentist told you so then good for you. Dahil ma pa 80s man yan o ngayon 2014 they still cost a fortune. Pero noon naalala ko 300 pesos lang may retainer ka na kaagad. Kahit hindi mo kaylangan pwede kang magkaroon. Galing diba? At lahat ng mga dentist ng panahon na ito napapakamot nalang ng ulo kapag nakikita nila ung mga high school students na may ganito.

I guess hindi lang tayo totally educated about these things, kaya ganito ang nangyare. Pero it doesn’t mean din naman na natuto na rin tayo ngayon. There are still too many teenagers and or young adults that never really know a thing or two about looking good and the real essence of being stylish. May smartphone ka nga FB lang naman ang alam mong feature ng phone mo. Tapos kung makapag recommend ka sa mga friends mo na itong brand ang mas maganda dahil mga cool a mayayaman lang ang meron nito, ay todo todo. Hay…..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s