BEAT MY FIVE: MACHISMO PINOYs

Alam nyo meron akong mga “allergies.” At isa sa pinaka ayoko -o “allergic” ako- are those guys who exudes with Machismo aura. Dahil kakaiba ang mga ganitong tao. Don’t get me wrong I know for a fact that these guys exist everywhere and if you are a guy you tend to show this side of you from time to time. I know that, and it irritates me sometimes kapag nahuhuli ko ang sarili ko sa ganitong estado. I am not talking about just machismo men, what I am talking about are the pinoy machismo men! Kung paano sila kakaiba sa normal na mayabang na tao at paano mo ba sila matatagpuan.

I promise you na ang mga machismo nating friends ay somehow  napag nilaynilayan ko narin. Just see for yourselves and read these five criteria that identifies or explain our FILIPINO MACHISMO men.

BEAT MY FIVE: MACHISMO PINOYs

  1. Year of Birth ~ Yes, that is correct! A Filipino Machismo man can be easily recognized by the year or at least the decade kung saan sila pinanganak. The reason is for us Filipino, our characteristics (most probably applies to other countries) is molded by exposures to the foreign invaders, and the progress of our society and economy. If you know someone that is born from the 80s and back – then that man most likely give you that pinoy macho/yabang vibe. One could argue na nung 90s parang kabuteng naglabasan ang mga ganitong lalake. But the reason for it involves the media. Mga anak na nila yang nakikita nyo or kung hindi man naging expose na sila dahil sa pag angat ng media natin.
    Katulad ng lumang akston na Pelikula kung saan naglabasan ang mga lalaking tila nanlalamig palagi at kahit 30 degrees Centigrade sa lansangan, at nakikipag suntukan ng naka leather jacket. Hindi sila dumami o nag simula sa dekadang ito, they are just exposed more and became the mainstream thing of every Filipino.
    Isipin nyo, the Filipino politicians and actors that has multiple kids to 5 – 10 wives ay hindi pinanganak noong 90s diba? Kundi from the 40s. 50s, to 80s.. Ito  ang panahon na ang pagkalalaki ay masusukat kung gaano ka kalakas uminom, kung gaano kadami ang mga “CHICKS”(eew) na pinagsasabay sabay mo o kung may baril ka ba sa “clutch bag” mo.

    Most likely kung pinanganak ka ng 90s or later, mas mild na ang approach mo sa buhay. Kapag nalasing ka at kinwento mo sa mga kasama mo na sa sobrang kalasingan mo natulog ka na sa inodoro o nag suka ka, meaning nun somehow naging maganda ang inuman session nyo. Pero I promise you pag  nakakita ka ng lehitimong Pinoy Machismo it is either isipin na bading ka o mahina ka. Dahil noon ang pagiging matigas ang in at ang honest combined with being vulnerable is “gay” o mahina – Syempre sa Pinoy Machismo men galing yan.

  2. The reason why? – Well its a mix of many things.. Ang pinaka una ay exposure natin sa Western invaders. Yes sa mga Amerikano. Or as we say, sa mga Kano.. Because what the Machismo Pinoy grew up in is a vision of Americans living their lives to the fullest, na in the end nag bunga sa maraming magaganda at pangit na mga  bagay. And this is one of the result of that experience.Second is the napoleon complex nating mga Filipino. Since gusto nating maging Amerikano pero 5 ft. lang tayo (more or less), at mahirap pa tayo sa daga kaya we have to over do it.
    So we did, and it stuck… to every family to the point that it was our way of life.So vision it this way…Since di tayo pwedeng maging si Indiana Jones or GI Joe… at dahil walang sand dito at ang meron lang tayo ay kalapati at manok instead of horses saka luxury cars.. and wala tayong kaalam alam kung paano mag palaki ng katawan katulad ni Arnold.. Ang ginawa nalang natin (para sa mga pera) ay bumili ng Baril at pakita sa ibang tao,..At (para sa walang pera) mag palakai ng braso (hindi katawan kundi braso lang) at uminom ng alak halos araw araw.Believe me, maraming mayayabang na tao sa mundo. Pero ma hihiwalay mo padin ang yabang ng pinoy sa lahat. Ganyan ang naranasan at ginawa ng mga lalaki noon, kaya nabuo ang Machismong ugali ng mga kalalakihan.
  3. Manifestations – Dahil most of them ay pinanganak ng 80s ang age nila ngayon ay nasa 27 pataas. At least mga mid 20s ng mga kalalakihan (and up) are more likely to have that Machismo vibe. It’s going to be more and more difficult to identify or have this type of yabang embeded on a DNA of a 27 years old man than sa 57 year old pinoy. Dahil mga adults ngayon hanggang sa early 30s, ay nahahaluan narin ng ugali ng mga generation ngayon. Which more of “bear your soul,” “Wear your hearts off your sleeve”  kinda era. Hindi na ngayon masamang maging malambot or at least maging honest sa nararamdaman mo.
    Pero here are some things na can be associated to the machismo guys natin. Baril or owning a gun is one. Or yung aura na kaya nilang lumaban sa armadong nag training na mga sundalo gamit lang mga kamao nila. Or like the guy on that poster, Dos por dos lang ang kaylangan nya. =D Or like what I’ve mentioned those guys who goes to the gym who has big arms pero parang manginginom naman ang tyan. NOT BECAUSE THAT is their body type pero dahil ayaw nilang magpapayat dahil mahirap gawin yun.
  4. Priorities – Most likely kapag pinoy, they value money or any good opportunities dahil most of us never had much growing up. So they will get jobs and side jobs in whatever way. Most of the time in a form of a shortcut, corruption or kahit papaano may daya. And eto ang pinaka unique sa lahat. Kapag may tatlo o apat na trabaho na sila, hindi yan magdadalwang isip kumuha pa ng pagkakakitaan lalo kung fast money ulit ito.
    At kapag inalok ka nila ng trabaho nila o nagtanong sayo ng tulong kung pwede mo silang tulungan at humindi ka, maiirita sila sayo dahil either takot ka o wala kang ambisyong kumita. Tanongin mo yung mga matatanda sa bahay nyo kung ilang oras lang sila nagttrabaho nung bata sila.. kapag umabot nang five hours most likely hindi sila kasama sa mga taong ito. Back in the day more is better and sleep are for the weak! At manliligaw ka means that you have to literally work for it dahil mas makikilala ka nila sa pagiigib ng tubig, hehe galing diba.

 

5. Religion – Well kahit anong religion nandyan sila, pero ang dahilan kung bakit ito kasama sa entry ko for this topic ay simple lang. The only reason or factor that can lessen their “Machismoness” is Religion. Faith in god and or religion will change anyone to a point na parang bagong tao na ulit sila. Of course in some ways ma-dedetect mo parin ito pa minsan minsan (or some cases mas madalas sa minsan). May mga pagkakataon na lalabas parin ang pagka mayabang nila. Pero mas na cocontrol na nila ito. Nagkakataon lang na they will slip and minsan makakapag comment o may magagawa na true to their previous self. Dahil nga experience nila yun at naka sanayan na. So never get discourage, believe me I know some na super struggle talaga ang panghawakan ang faith ng isang tao sa dyos instead of falling to their old Machismo ways.

—0—
Again Machismo guys can appear in any part of the globe, pero ang Pinoy Machismo ay madali parin ma differentiate kesa sa ibang lahi. Just remember kapag nakakasalamuha nyo sila always remember na part of it is not their fault. And sometimes it is useless to prove them wrong dahil impossible talaga yun. It is still your choice kung I-comfront mo kagad sila everytime o hindi. But I guess in a way they are like kids, at sabi nga ng mga pediatricians just be the best you can be at kapag nakita ng mga “bata” yan, they would work it out themselves and figure out they are being such an ass. I think that is better than correcting them all the time and just start a fight.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s