BEAT MY FIVE: EIGHT YEAR CHANGES

So this is one of the many things na gagawin ko dito sa blog ko na ito. That is to think out of the box and walk to the borderlines of fiction, wishful thinking and imagination. This week’s entry focuses on every Filipino’s life stages and changes. Again, this is just my observation and hindi naman talaga proven facts ang mga ideas kong ito. But I’ll try to convince my readers to it, and at least tickle your mind in to thinking na ang mga items na ito has some legs on it. So here is my observation- growing up. In many ways lahat ng tao nagbabago based on kung anong natatangap nilang experience, pera at situation sa buhay. Pero para sa akin the most significant changes happens every 8 Years.

Its true, you do change every 8 years, either sa physical attributes, emotion, the way you look etc. Let me explain further kung paano at kung ano ano ang nagbago. I’ll give you five sa mga eight year changes ng buhay mo. 

BEAT MY FIVE: EIGHT YEAR CHANGES

1.  8 Years Old:

Male: Naiisip mo na at nare-realize mo na it’s not always cool to hang out just with all guy friends, sumasama ka narin sa mga may itsurang mga girlalo, At si Thomas The Train medyo binibitawan mo na at mas challenging na laro na ang ginagawa mo (physical or mental). You may or may not admit the fact na corny na ang mag present sa buong pamilya mo kapag Christmas pero you would still do childish things for attention and for more toys.

Female: During this time medyo hindi mo na kabarkada sila Dora at boots. From sa damit that you wear hanggang sa music na ineenjoy mo, sumusubok ka narin ng iba. Pero kaya mo parin umatend ng Barbie Birthday Party ng kaibigan mo at OO! Sasali ka parin sa mga parlor games na hatid nito.

    – Syempre we will start sa pinaka unang pang walong taon ng buhay mo. Although wala ka pang masyadong changes sa sarili mo, but during this time, your choices will reflect the person you will become in the future. Ang payo ko maging bata ka lang at mag discover ka lang ng magdiscover. Para sa akin hindi ang highschool ang pinaka magandang level sa buhay ng isa bata kundi ung mismong pag ka bata mo. Lalo na kapag 8 ka na. Nasa pagitan ka na ng pagiging “baby like” at ng Teenager like.”  At kung may anak ka, na ganitong edad, hayaan mo lang sya madiscover ang kahirapan/kasiyahan ng buhay at kung kaya mo, kung may activity sya na gustong gawin, pagawa mo. hindi naman yan permanent dahil indecisive parin tayo sa edad na iyan.

  1. 16 Years Old:

Male: Since mas malakas pa sa pag sabog ng bulkan ang flow ng hormones sa katawan mo, you venture out chasing girls and tinantry mong mag hanap and be part of any activities na kinahihiligan mo, para mag pasikat sa mga girls na hinahabol mo. Pero nandito parin ung time na mararamdaman mo na wala kang ka pera pera at kaylangan mong makipag negotiate sa parents mo o sa kung sino man para magkaroon lang. AT para mag pasikat sa mga girls na hinahabol mo. Syempre iba na ang past time mo at nilalaro mong video games. Pero if you’ve noticed already, ang nasa isipan mo lang ay GIRLS GIRLS GIRLS! Yes most probably ganito parin ang magiging mentality mo hanggang sa maging lolo ka na pero during this time, as in yun lang ang iniisip mo, kahit aminin mo man o hindi.

Female: Grabe ka na mangarap, at ginagawa mo lahat kahit “Landi lang ang puhunan.” =D Mag mmodel ka pa sa init ng araw para lang ipaalam sa mundo na “Fashion” ka. Hindi mo na rin mahintay maging 18 para sa debut mo. PERO hindi mo ba na pansin na wala naman masyadong nagbago mula nung 16 ka hanggang naging 18 ka? At mas marami pang nagbago at natutunan nung 16 ka?

Kung napansin mo nung naging 18 kana na parang parehas lang din nung 16 ka. At yung debut mo is just a way of making it official na hindi ka na 8 years old.

  – If you are reading this entry and you are near or exactly 16 years old the greatest advice I can share to you; is not to settle sa BF o GF na you’re with right now. Kasi you will notice after eight years na ibang iba ka na as a person. This 2nd item at ang susunod (3rd) ang mga pinaka important changes sa buhay mo na hindi mo napapansin at kailanman mapaghahandaan. Pero please remember… HINDI LAHAT NG BAGO MAGANDA! LAHAT NAPAPALITAN KAHIT BOYFRIEND MONG KUNYARE MAYAMAN! At kalma kalma lang pag may time.

 

  1. 24 Years Old:

Male: Karamihan ng mga lalake sa ganitong edad may mga trabaho na at atleast may pang “mot mot” na sa mga gelprend nila. =D At ngayon na realize mo na hindi pala ung gelprend mo nung 16 o 17 years old ang bagay sayo. Hindi mo maintindihan kung bakit. (scroll mo lang konti sasabihin ko sayo kung bakit). Although yes malaki paring part ng buhay mo ang mga girls pero you can control yourself now, and focus on more important things in life.

Female: In general and if you are a decent woman, at the very least. You are accomplished and may konti naring ipon. Unlike guys baka may nabili ka naring bagay para sayo. BUT LIke ANY 24 year old, feeling mo parang may iba sa boyfriend mo kahit 3 years or 5 years na kayo. Hindi ka nya maintindihan, at parang nawalan na sya ng gana.

– Hindi mo naramandaman ung mga changes na to when you were 21 to 23 because you are to busy with school and your goal is just to graduate. PERO Ang sagot kung bakit “on the rocks” na kayo is; (1) May mas pera ka na kesa dati at minsan hindi mo iniintindi kung mahal ung bibilin mo dahil may sahod nanaman sa katapusan (2) Mas marami ka nang nakakasalimuha, from all walks of life ika nga. So yung akala mong gwapo o maganda na syota (Physical / Character) mo nung late teens pa, napaka pangit pala ng itsura at ng ugali. Kaya ang lagi kong payo kung teenager ka at sobrang sakit na sa ulo ng syota mo, hiwalayan mo na. Because when you turn 24, it is almost automatic and inevitable that you will break up with him/her. You are now totally different human being, dahil adult ka na. At ito na rin ang time (kung 24 ka at may GF/BF ka na) na pwede ka na talagang mag seryoso sa relasyon. Hindi ka na magugulat kung mas dumami ang pera mo o kung may makilala kang mas magagandang tao. – –

 

  1. 32 years old:

Male: Mejo nararamdaman mo na ang detachment kapag may hinahabol kang girlaloo na mas bata sayo. Pero for me dito na talaga nag sisimulang mag mature ang mga lalaki. They are filled with the same sex drive and hormones just like before, pero mas na chchannel mo na iyon sa ibang bagay. Nagsisimula ka na din mag tanong kung ano bang gagawin ko sa buhay. Or paano na ano na mangyayari sa akin.

Female: “In” ka padin pero irritable ka na sa mga dalaginding na nakikita mong pakalat kalat sa daan. Feeling mo ikaw ang tunay at a reflection ng isang tunay na babae. You are successful at imbes na Bad boys ang hinahanap mo, tinatry mo na rin ung mga good “nerdy” guys. Kasi nga ayaw mo na ng nonsense na ingay. Although you still have the playful side parehas lang kayo ng questions in life ni dudong, =D that is kung ano nang gagawin mo sa buhay mo (kung single ka) O paano na ang future mo at ng pamilya mo. Kung ang mga lalaki kadalasan loose their sex drives kapag palapit na ng palapit sa edad na 40, some of you ay mas nagiging active pa sa inyo inyong sex life.

     – This is the most important part of your life, for most of people sa edad na ito, ay may pamilya na. And that changes everything… And unlike when you are on your teens and 20s, imbis na all out discovering for new things ang peg mo, sometimes mas ok na sayo na classify ka in a specific and more direct way. Sa career man yan, personality lifestyle o routine. Consistency relates to peace, and being care free is a form of chaos.

 

  1. 40 Years Old:

Male: Medyo focus mo nalang sa buhay ang pamilya mo. Kung di ka man naging mabait nung kabataan mo, surely you are trying to change now. Because you probably understand and felt the consequences of things you made before. Sa health man yan o sa career dito na lalabas ang pinagpaguran mo o yung mga bagay na tinulugan mo lang at di pinansin. And for me this is the time that some guys becomes more emotional and in touch with their feelings more and more. Dahil nga sa combination na marami kang pinanghinayang gawin at di ginawa, and you have less hormones running through you.

Female: Kung pamilyado ka na, your concentration is to take care of your family. OO malamang ginagawa mo na din un simula nung nagpakasal ka pero now hindi na baby ang mga anak mo. Either sa Highschool na sila o sa College. So todo trabaho ka na. You do less to Zero partying and meeting new friends. Your friends nung dati hindi mo na masyadong nakikita at kung meron ka man friends un ung super close friends mo, office mates mo or neighbors mo nalang kadalasan.

– – Do you know one of the reasons why LIFE BEGINS AT 40? Because this is the fifth 8th year of your life. Marami ka nang napagdaanan, pero ang nagiba is kung sino ang tinutulungan mo. Because kapag 40 ka na you provide na for others, and dapat consistent ka na sa pagtulong sa kanila kasi wala kanang room para maghanap pa ng panibagong career. So from this age on, mejo mahirap (kung nag loko ka nung bata ka) pero mas simple na ang buhay (kung at least umayos ka kahit papaano).

Advertisements

23 thoughts on “BEAT MY FIVE: EIGHT YEAR CHANGES

  1. i enjoy reading it, seriously. 😛 how old are you to figure out all of these? hahaha. sa 16 pa lang ako nakaka-relate (konti kasi sulat lang ako ng sulat nung 16 ako) hahaha. keep it up! ikaw na keen observer! why don’t you compile all of your works?

      1. nag-isip pa ko… hahaha 7 years older ka sa ‘kin. oo, observant ka, a good and keen observer indeed. isa sa mga unang katangian yan ng writer eh.

  2. Galing. Mapapailing ka nalang kasi sapul eh.
    I just wish Google Chrome will stop telling me that this page is in Tagalog and if I like to translate it.

  3. Si powerpuff ang fav ko nung 8 years old ako at si barbie pero never ko natry may fashion model nung 16 ako o alamin ang fashion 😂😂 at parang stress lang ang natatandaan ko nung dumaan ang taon na yun. At ang mga sumunod na edad ay hindi ko pa nararating, saka ko na kukumpirmahin ang mga facts na iyan kapag narating ko ang edad na yan 😁.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s