Beat My Five: Ideas That Must Die

As we progress through the years, lalo na with technology, we tend to leave old things behind. (Kaylangan nyo ng tissue sa susunod na paragraph =D) In the early Victorian Era in Europe (told you), people use to have Grand Pianos in almost every house, and only a few people (mostly yung mga walang piano sa bahay) didn’t know how to play. Dahil it is essential sa isang maayos na bahay ang magkaroon ng Piano at mga taong marunong tumugtog nito. Do you KNOW WHY? Dahil wala silang kahit anong entertainment whatsoever nung panahon na iyon. So they have to be the one to create it and present it. Then in the late 1800s the radio was invented. Gradually habang pa mura ng pamura ang presyo ng radio, the industry of selling and the need to learn the piano went down with it. At ang booming business ng pag bebenta ng piano ay unti unti ring namatay.  Hanggang sa naging tradisyon nalang o summer hobby ang matuto o mag aral ng musical instruments. It is also the same dito sa Pilipinas. Hindi mo ba napansin na yung mga tao sa inyo, pag mas matanda maraming alam tugtugin na instrument? Dahil hindi ganoon kadali ma acquire ang kahit anong form ng entertainment noon. But my topic for this week doesn’t revolve around Piano, music, or entertainment.

Pero like things we leave behind, consciously or unconsciously, we have things that we should just kill. Hindi purkit nakasanayan na ay applicable parin o stands as a fact sa modernong panahon natin ngayon. Dahil if we just do them for the reason na nakasanayan na natin then we impede the process of learning new things and improving in general. Maraming ganito online but mostly sa paksang science at economics. Pero para sa akin at para sa bansa natin, ito ang limang items or should I say idea na dapat ng mamatay.

1. Touch Thermometer SyndromeNaalala mo ba nung panahon na felling mo sinsinat ka or may lagnat ka na? Ang unang gagawin ng nanay mo ay hahawakan ang leeg mo o ang noo mo ng kamay nya?

Naalala mo rin ba na kahit may cable TV kayo at Wifi, eh ni isang Thermometer wala? Isa pa ito sa mga idea na dapat sinasanay na nating di gawin. We always like to test temperature with our hands o ano mang part ng katawan natin. We would always disregard the fact na meron tayong sariling temperature sa ating katawan, and ok lang to rely that most pinoys would understand that lagnat is a symptom most of the time. We wouldn’t know na minsan it can feel cold and clammy kahit sobrang taas na pala ng lagnat. At sometimes kahit napakainit parin ng pakiramdam hindi rin yun indication na grabe na talaga ang lagnat. Kaya nga may THERMOMETER eh, because we can’t just always depend on our sense of touch to determine body temperature. Here is my point how about when people ask you kung may lagnat daw ba sila, why not get a thermometer (OR BUY ONE) to test them instead of touching their bodies and like a Madam Auring predict what is going on, and dictate what medicine they should take. Now, don’t be mistaken na sinasabi ko totally inaccurate ang paraan na ito, pero with the knowledge of our folks have on self diagnosing and recommending drugs na parang candy, I think it is best to just buy a 30 Peso thermometer, na kapag di mo naman pinaglaruan at tinusok kung saan saan (OO HUWAG NG MAGMAANGMAANGAN!) =D, eh will last even for decades to come

.

2. Until you become a parent you would never understand – Really? You sure about that? I mean “understand” is a deep word for me. I don’t disagree in any way, pero the idea that must die, is on how we say it to a single person like me. It is easy to say sa isang single na tao na hindi nila naiintindihan ang buhay ng may asawa at may anak. Madali rin sabihin ito sa taong alam mong may point at tama pero dahil wala ka ng lusot ito nalang ang madaling paraan para manalo sa argument.

Stay with me here and open your mind a little bit. Your situation may change pero sa huli Tao kapadin diba? May school ba na nagturo sayo kung paano ka  maging magulang? Diba wala naman? Kapag pumunta ka sa isang continent to another mapapansin mo na ibang iba sila ng pag aalaga sa isang bata, totally different than what you have known sa buong buhay mo. Hindi mo rin kaylangan pang pumunta sa ibang lugar. Bisitahin mo lang ang kapitbahay nyo, eh baka magulat ka na iba ang rules nila sa iyo. Kung ang idea ng isang magulang ay palakihin ang anak sa piling nila hanggat mag asawa, (minsan habang buhay na) and then ang iba is to make sure that after 18 they are out of the house, take the course they want to take, and be able to learn how to live on their own. How can any parent easily pull this card out to get away from situation or decision dahil gusto lang nila?

So kung kayo kayo di magkaintindihan, then why say it sa mga single na tao?

Sa panahon ngayon na sobrang diverse na at ibang iba na ang rules pagdating sa parenthood and married life eh dapat pa bang magexist ang idea na ito?

I KNOW, I know na meron namang basis itong idea na ito. Of course if you don’t have something that others have, syempre it is very difficult to know how or what they are feeling. And when it comes to LOVE and Feeling it towards another human being, YES I super agree, I think that it will be a very different but really awesome feeling holding a human being sa mga braso mo. But aside from that I think everyone that has a good sense of who you are can advise you on many decision sa pamilya mo. Is it ok to say na sometimes to say I don’t know what I am doing, but I have to do it? YES! But you know what is better? Is when you ask for any advice or got in to the discussion about your family, never pull this card out so easily. Again you are as confuse/smart as anyone else and maybe sometimes it is better to think and understand other people, than you and your spouse’s emotion.

3. Tuli growth medicine – Kung sino mang tasyo (sorry old reference =D)  ang nakaisip at nag simula ng idea na ito, sana makilala ko sya in the future. Dahil itong idea na ito, ay may halong pag ka tanga at coincidentally, kagalingan at the same time. Tanga in the sense na pinuputol mo lang yung excess na balat sa ari ng isang tigyawating bata. Then to think na isang factor yun kaagad na maglalabas ng kung ano mang growth hormone sa katawan, para tumangkad? When the only reason of circumcision is for hygiene purposes, at wala ng iba. Pero kung sino man ding tasyo ang nakaisip nito, he timed it perfectly. Dahil in the Philippines as the rite of passage circumcision usually happens around 12 to 14 years old, of every boy’s life. Kung saan ang puberty ay pinaka malakas. At ang isang sign of reaching puberty aside sa pag lago ng buhok sa ibat ibang parts of the body, is a spurt of growth ng katawan, o pag tangkad. I am not really sure why with the presence of technology and media, this idea still exist in many barangays and tahanan around the country. Given hindi sa mga mayayaman but still, kung yung mga  tambay sa kanto eh naka Iphone 6 plus, eh bakit hindi parin sila nag babago ng pananaw.


4. Left brain vs. Right brain
– In many articles, online and sa mga universities, this is one of the most popular na gusto ng patayin ng mga economist, scientist at mga doctor. But here in the Philippines, I don’t know why but this idea is still very much alive. They say that when talented ka malamang di ka masyadong matalino. O vice versa… Pero when you understand that the whole body ay gumagana as one. Bakit nagiging exemption ang brain. Yes yes… may parts ng brain na nagtatrabaho more than the other parts nito. Pero kagaya ng katawan mo ang utak din ay gumagana ng sabay sa lahat ng organs. BOTH LEFT and RIGHT hemisphere ng utak mo communicates sa isat isa. I always say sa mga nag tatanong sa akin kung kaya ba nilang kumanta, sumayaw, etc… My answer would always be na, Talent is talent. Its either you have it or you don’t. Pero kung bata pa as in gradeschool ang kinakausap mo. It is ok to tell them to aspire on anything they want to do and be, in the future. AGAIN the “talent is talent” approach ay nag aapply lang sa mga matatanda. And the time/generation now is very much different than before. Here is my point. Kung bata ka pa, grades school o maybe even early teens. At hindi naman kayo sobrang hirap. May internet kayo sa bahay. At nakakasabay ka sa modernong buhay ngayon… Then you are 10 folds na mas mataas ang chance kesa sa mga kabataan noong 90s or 80s at pababa to acquire, learning and or talent. Dahil now information is everywhere, and it can be obtain as fast as you want it. LEFT BRAIN AND RIGHT BRAIN (LALO NA WHEN YOU ARE YOUNG) theory is dead. Now it is all about your youth, the enormous time in your hand, and how will you use it to your advantage. Kung college ka na o mas matanda ka pa sa akin then my answer would be very different.

5. NBSB – Now isa to sa mga dahlian kung bakit nauso ang mga jejemons! (kidding…) Pero this idea I think started even back in the late 90s. Na even ang tinatawag na internet ay para sa mga mayayaman at nerds lang. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH? Really? But I am not just talking about this specific idea; my point is we are now just saying things because it sounds great. Like PHOBIA, which is casually being use as a form of fear, when in fact most of us who uses this doesn’t even know what a person who looks/feels like kapag may tunay na phobia talaga sila. I have a friend who can’t even stand on a chair dahil may phobia sya. Sometimes he even leans on the wall while walking in a balcony dahil ayaw nyang makita yung view from the edge. And NBSB? When you keep repeating this to yourself, lalo lang nagkakaroon ng drama which leads you to even delaying the chance of having someone in your life. and hindi din pwede na mag ka syota ka kung 2 years old ka lang, dahil maghanap nga ng banyo kung saan jumerbaks eh di mo pa alam, syota pa kaya. (no truer words have been spoken =D) So literally and even in any deep meaning this idea is incorrect. Kung 20 ka today and you haven’t had any relationship, that means hindi kapa nag kaka syota nung 15 ka, -which is 5 YEARS AGO. Diba mas ok yan na angle to look at?? Kesa naman sabihin mo na hindi ka nag karelationship simula ng pinanganak ka, at mag drama, when every person can only be capable of having a relationship when they are in their mid teens.

Advertisements

One thought on “Beat My Five: Ideas That Must Die

  1. Yung thermometer namin ngayon bigay ng pinsan kong RN kasi wala kaming thermometer 😂😂😂 siguro kung di nya yun binigay baka hanggang ngayon wala parin kaming thermometer.
    NBSB ako but I’m not afraid I think I just don’t have time because I’m so stresses during college 😭. Pero I know people na NBSB dahil takot. Yun lang po 😁😁 anyway, nice blog Sir! Nakakagv.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s